Malacañang tahimik sa bagong apela ng mga dayuhang bihag ng ASG

By Den Macaranas March 12, 2016 - 05:01 PM

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Umapela ang Malacañang sa publiko na ipaubaya na lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang diskarte para mailigtas ang mga hostages mula sa Samal Island sa Davao.

Tumanggi na ring magbigay ng komento si Communications Usec. Manolo Quezon III sa apela ng Canadian hostage na si John Ridsdel.

Nauna dito ay kumalat sa social media ang apela ng nasabing bihag para sa Canadian government na bayaran na ang hinihinging ransom ng mga tuhan ng Abu Sayyaf.

Si Ridsdel kasama ang kapwa Canadian na si Robert Hall, ang Pinay na kasintahan ni Hall na kinilala lamang sa pangalang Tess at ang operations manager ng Samal Island Resort na si Kjartan Sekkingstad na isang Norwegian ay dinukot noon pang Setyembre 25 2015.

Humihingi ang Abu Sayyaf ng tig-P1Billion para sa kalayaan ng bawat isa sa mga bihag.

Muli namang nilinaw ni AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla ang paninindigan ng pamahalaan na pagpapatupaad ng “no ransom” policy.

Pero tiniyak ng opisyal na tuloy ang kanilang paghahanap para mailigtas ang naturang mga bihag.

TAGS: AFP, ASG, Malacañang, PNP, Samal Island, AFP, ASG, Malacañang, PNP, Samal Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.