92-anyos na lola sa Maynila, gumaling sa COVID-19

MANILA PIO PHOTO

Isang 92-anyos na lola sa Maynila ang nakarekober sa COVID-19.

Sa abiso ni Manila Mayor Isko Moreno, nakauwi na ng tahanan si 92-anyos na si Amanda Morales.

Nabatid na naisugod sa Sta. Ana Hospital si Morales noong October 1 at nakalabas noong October 13.

Bukod sa COVID-19, nakararanas si Morales ng hypertension, heart bypass at arthritis.

Read more...