DENR, PUP nagkasundong gamitin ang mga estudyante para gawing tagapangalaga ng kapaligiran
Nagkasundo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila na gamitin ang mga estudyante para gawing tagapangalaga ng kapaligiran at natural resources.
Bahagi ng partnership ang pag-turn over ni Environment Secretary Roy Cimatu ng 100 units ng tablet computer kay PUP Executive Vice President Alberto Guillo.
Ipamimigay ang tablet computers sa napiling 100 “environment and natural resources (ENR) ambassadors.”
“Behavior change is difficult to achieve so we need the assistance of the education sector to help us effect change in the minds of the students and the youth, and to change their practices,” pahayag ni Cimatu.
“We will be working together, and with the ENR ambassadors, you can help us in our main effort which is to clean up Manila Bay by cleaning the esteros and rivers that flow into it,” dagdag ng kalihim.
Tungkulin ng mga ENR ambassadors na turuan ang mga kapwa estudyante sa environmental issues gaya ng usapin sa polusyon, resource degradation ant climate change.
Hihikayatin din nila ang nga kabataan na magsagawa ng cleanup, rehabilitation at protection activities sa Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.