Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (October 18), umabot na sa 356,618 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 39,808 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,379 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.5 porsyento ang asymptomatic; 1.9 porsyento ang severe habang 3.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 50 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,652 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 14,941 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 310,158 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.