Deadline ng pagbabayad sa overdue contributions, pinalawig ng SSS
Pinalawig pa ng Social Security System ang deadline ng pagbabayad sa overdue contributions.
Base sa circular Number 2020-006-d na inisyu ng SSS, maaring bayaran ng mga empleyado ang mga hindi nabayarang kontribusyon sa Pebrero hanggang Oktubre 2020 ng hanggang sa Nobyembre 2020.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, ikinokonsidera ng SSS ang pandemya sa COVID’19.
“The circular states that regular employers may pay their employees’ contributions from February to October 2020 until November 30, 2020,” pahayag ng SSS.
Maari ring bayaran ng mga self employed, voluntary at non-working spouse ang kanilang contrbutions sa Nobyembre 30,2020 ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula Enero-Setyembre 2020.
“Apart from over-the-counter payment facilities, our bank partners and we have online platforms where employers and members can make their SSS payments in the convenience and safety of their homes or offices,” pahayag ni Ignacio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.