Mga gumaling sa COVID-19 sa PNP, halos 6,000 na

Aabot sa 50 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Biyernes ng gabi (October 16), 6,636 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 666 ang aktibo pang kaso.

50 ring pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,950 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 20 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...