Mga miyembro ng drug group sa Cebu City, arestado

By Angellic Jordan October 17, 2020 - 12:40 PM
PDEA RO7 PHOTO

Timbog ang dalawang miyembro ng drug group sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Cebu City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Sitio Son-oc, Barangay Lahug.

Nahuli sina Jed Jabagat Tajanlangit, 30-anyos; at Medcel Omega alyas “Medsil,” 41-anyos.

Nakumpiska kay Tajanlangit ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600, ginamit na buy-bust money at iba pang drug evidence.

Nakuha naman ng mga otoridad kay Omega ang 11 pakete ng hinihinalang shabu na nagkalahalaga rin ng P13,600 at buy-bust money.

Kapwa mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA RO7 PHOTO

TAGS: buy-bus operations in Cebu City, Inquirer News, Jed Jabagat Tajanlangit, Medcel Omega, PDEA RO7 operations, Radyo Inquirer news, buy-bus operations in Cebu City, Inquirer News, Jed Jabagat Tajanlangit, Medcel Omega, PDEA RO7 operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.