Panukalang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo upang labanan ang red tape sa gobyerno, aprubado ng Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang red tape.

Bago ang Undas break ng mga kongresita, naihabol ang sertipikasyon ni Pangulong Duterte na urgent ang panukala.

Sa botong 267 na YES at 6 na NO, inaprubahan ang  House Bill 7884.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na paikliin ang oras o araw ng pagproseso o kaya’y suspendihin muna ang requirements para sa national and local permits, licenses at certifications, upang mapabilis ang pag-isyu sa mga ito tuwing may national emergency tulad na lamang ng COVID-19 pandemic.

Sakop ng panukala ang lahat ng ahensya sa ehekutibo, kabilang na ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities, at government owned and controlled corporations.

Nakasaad dito na hindi makompromiso ang pagproseso sa mga dokumento na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan tulad na lamang ng safeguard sa protected areas, buffer zones at environmentally critical areas.

Read more...