Submarine ng NoKor iniulat na nawawala

By Den Macaranas March 12, 2016 - 03:29 PM

NoKor submarine
AP photo

Inihayag ng Pentagon na nawawala ang isang submarine na pag-aari ng North Korea.

Bagama’t tahimik ang Pyongyang sa isyu, sinabi ng U.S na nagmomonitor na rin sa sitwasyon pati ang South Korea.

Ang nawawalang Diesel-fed submarine ay isa lang sa halos ay pitumpung mga lumang underwater craft ng North Korea.

Kahit na luma ang mga ito, aminado ang U.S na may kakayahan pa rin ang nasabing mga submarines na maghasik ng gulo sa buong Korean Peninsula.

Nauna dito ay nagbanta ang North Korea na magsasagawa sila ang counter measures sakaling matuloy ang joint military exercise sa pagitan ng U.S at South Korea.

Samantala, aminado ang Pentagon na nakamonitor ang kanilang mga spy satellites, mga eroplano at barko sa Korean Peninsula sa ginagawang paghahanap ng NoKor sa kanilang nawawalang submarine.

Malaki rin ang hinala ng U.S Defense Department na tinangay sa malalim na bahagi ng dapat ang nasabing submarine.

TAGS: north korea, south korea, Subamrine, U.S, north korea, south korea, Subamrine, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.