BREAKING: Panukalang P4.5T 2021 budget lusot na sa Kamara


Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang P4.506T 2021 national budget.

Sa botong 267 – YES, 6 – NO at 0 – ABSTAIN ay naaprubahan ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Mas mataas ito ng 9.9% kumpara sa P4.1 Trillion budget ngayong 2020.

Pinakamalaking bahagi ng 2021 budget ay mapupunta sa Personnel Services na nasa 29.2% kung saan dito kukunin ang alokasyon para sa dagdag na hiring ng mga healthcare workers, second tranche ng Salary Standardization Law, at dagdag na pensyon para sa mga retired uniformed at military personnel.

Nakapaloob din sa pambansang pondo ang mga stimulus para sa muling pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 at sa bakuna laban sa impeksyon.

Pinakamataas na pondo pa rin ang sektor ng Edukasyon kasama ang DepEd, CHED, SUCs at TESDA.

Sinundan naman ito ng 2.)DPWH; 3.)DILG; 4.)DND; 5.)DOH; 6.) DSWD; 7.)DOTR; 8.)DA; 9.)Judiciary; at 10.)DOLE.

Bago ito, inaprubahan sa kaparehong araw ang panukala sa ikalawang pagbasa salig sa 1987 Constitution matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...