Pagpapadala ng kopya ng inaprubahang 2021 general appropriations bill mas mapapaaga

By Erwin Aguilon October 16, 2020 - 04:59 PM

Mas magiging maaga na ang gagawing pagpapadala ng Kamara sa kopya 2021 General Appropriations Bill.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Eric Yap, tatalima na sila sa gusto ng Senado na maisumite GAB ng mas maaga kaya ipapadala nila ito sa October 28.

Gayunman, sabi ni Yap ang kanilang maipapasang kopya sa mataas na kapulungan na inaprubahang pambansang pondo sa 2021 ay hindi hard copy kundi print copy lang sa white paper katulad ng isusumite nila sa National Printing Office (NPO).

Giit nito, kapag nagreklamo pa ang Senado dito ay wala na siyang magagawa at suko na siya sa mga senador.

Nauna rito, sinabi ni Yap na posibleng sa November 2 pa nila ito maiakyat sa Senado dahil sa Lunes ay isang special team ang susuri sa mga isinumiteng pag-amyenda at kasunod na nito ang pag-e-encode na aabutin ng limang araw at sampung araw ang pagpapa- imprenta sa National Printing Office na ikinadismaya ng mga senador.

TAGS: 2021 budget, Budget, 2021 budget, Budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.