Bunsod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ang ECQ ay iiral simula ngayong araw ng Biyernes, Oct. 16, alas 8:00 ng gabi hanggang sa Oct. 31.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ng Isabela noong Miyerkules, umabot sa 34 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Ilagan, habang 68 naman ang naiulat na confirmed cases sa buong lalawigan ng Isabela.
Ito na ang pinakamataas na naiulat na bilang ng nagpositibong kaso sa loob lamang ng isang araw mula noong nagkaroon ng pinakaunang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Sa pagsailalim ng Ilagan sa ECQ, ipatutpad ang mga polisiya tulad ng pagbabawal sa paglabas ng bahay para sa mga may edad 21 hanggang 60.
Pagpayagan lamang ang 50% operational capacity ng ilang establisyimentong pinagkukunan ng mahahalagang suplay.