Ilocos at Cagayan niyanig ng lindol

By Den Macaranas March 12, 2016 - 03:26 PM

ilocos-quake
Inquirer file photo

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang malaking bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan kaninang alas-dose ng tanghali.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Institute of Voclanology and Seismology (Philvocs), sinasabing tectonic ang origin ng lindol kung saan ang epicenter ay natagpuan 49 kilometers Southwest ng Laoag City.

Naramdaman ang lindol sa lakas na magnitude 5 sa mga bayan ng Pasuquin, Sarrat, Paoay at Burgos sa Ilocos Sur.

Naitala naman ang magnitude 4 sa Vigan City at bayan ng Sinait sa Ilocos Sur at ganun din sa bayan ng Pamplona sa Cagayan.

Wala namang naitalang sugatan o namatay sanhi ng lindol pero asahan na ang mga aftershocks ayon sa Philvocs.

Kasalukyan namang ini-inspeksyon ng Department of Public Works and Highways ang ilang mga gusali na pag-aari ng pamahalaan para tiyakin na nasa maayos na kalagayan ang mga ito makaraan ang naganap na pagyanig.

TAGS: Cagayan, Ilocos, lindol, Philvocs, Cagayan, Ilocos, lindol, Philvocs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.