Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2020 - 03:12 PM

Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisoroy ng PAGASA alas 2:42 ng hapon ngayong Biyernes, Oct. 16, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, at Batangas.

Ang parehong lagay ng panahon ay nararanasan na rin sa mga bayan ng Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Poprac, Santa Rita, Bacolor at San Fernando sa Pampanga; Cabangan at Botolan sa Zambales; Ternate, Cavite; at sa Calauag, Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

TAGS: Batangas, Bulacan, nueva ecija, Pagasa, Tarlac, thunderstorm advisory, Batangas, Bulacan, nueva ecija, Pagasa, Tarlac, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.