Operasyon ng Pasig River Ferry balik na sa normal

Balik normal na ang operasyon ng Pasig River Ferry.

Inanunsyo ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos muling suspindihin ang biyahe ng Pasig River Ferry dahil sa dami ng water hyacinths sa Ilog Pasig.

Ayon sa MMDA, muli nang makapa-ooperate ang mga ferry sa ruta nitong Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta at vice versa mula Lunes hanggang Sabado alas 6:00 ng umaga hanggang alas alas 7:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga pasahero na sundin ang COVID-19 health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face shield at face mask.

 

 

Read more...