Travel agencies, tour operators sa GCQ at MGCQ areas pwede nang magbukas – DTI

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2020 - 01:27 PM

Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na makabalik ng operasyon ang mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pang kahalintulad na Negosyo sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-53 na nilagdaan ni Trade Secretary Ramon Lopez, ang nasabing mga serbisyo ay pwede nang magbukas muli sa 50 percent operational capacity kung nasa GCQ areas at 100 percent capacity sa MGCQ areas.

Gaya ng iba pang mga establisyimento, ipinaalala ng DTI na kailangang sumunod sa minimum public health standards at protocols.

Babantayan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) at ngn Regional o Provincial Offices ng DTI ang mga establisyimento para matiyak ang pagsunod sa alituntunin.

Pwede ring magsumbong ang publiko sa pamamagitain ng DTI Consumer Care Hotline na 1-384.

 

 

 

TAGS: dti, Mon Lopez, tour operators, travel agencies, dti, Mon Lopez, tour operators, travel agencies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.