Paggamit ng modules sa ilalim ng blended learning dapat isantabi na ng DepEd

By Erwin Aguilon October 16, 2020 - 12:59 PM

Hinimok ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang Department of Education na isantabi na ang paggamit ng modules sa ilalim ng blended learning.

Sa budget deliberation ng Department of Education (DEPED), iginiit ni Marcoleta na itigil na ang produksyon at procurement ng modules dahil sa napakalaking budgetary support na kakailanganin dito ng pamahalaan.

Marami din anyang magulang at mga mag-aaral ang mas gusto na libro sa halip na modules ang gamitin sa blended learing.

Inirekomenda ng kongresista na lumipat na lamang sa paggamit ng libro sa halip na modules dahil hindi lalagpas ng P1 Billion ang magiging gastos dito.

Ayon kay Appropriations Vice Chairman Jocelyn Limkaichong, mangangailangan ng P1.1 Billion na pondo para sa mga modules na gagamitin lamang sa unang quarter ng school year.

Dahil dito, hiniling ni Bohol Rep. Edgar Chatto na dagdagan ng P20 Billion ang budget para sa printing ng lahat ng mga quality self-learning materials ng mga estudyante.

Nauna nang naungkat sa pagdinig ng Kamara na pinaghahatian ng mga mag-aaral ang mga modules dahil sa kulang ang naging produksyon dito sa ilalim ng blended learning.

Bukod dito, mali-mali din ang ilang mga naka-print na aralin sa modules bukod pa sa naka-stapler lamang ito na madaling masira, mawala at mahiwa-hiwalay ang mga pahina.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, self-learning modules, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, self-learning modules, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.