Panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte para labanan ang red tape aprubado na sa 2nd reading sa Kamara
Kaagad lumusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang red tape.
Matapos aprubahan ng binuong committee of the whole ang House Bill 7884 agad isinalang isinalang sa viva voce voting at pinagtibay ito sa 2nd reading.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng otoridad ang Pangulo na paikliin ang oras o araw ng pagproseso o kayay suspendihin muna ang mga requirements para sa national and local permits, licenses at certifications, upang mapabilis ang pag-isyu sa mga ito tuwing may national emergency tulad na lamang ng COVID-19 pandemic.
Sakop ng panukala ang lahat ng ahensya sa ehekutibo, kabilang na ang departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities, at government owned and controlled corporations.
Nakasaad dito na hindi makompromiso ang pagproseso sa mga dokumento na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan tulad na lamang ng safeguard sa protected areas, buffer zones at environmentally critical areas.
Inaasahang ipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala ngayong araw bago matapos ang special session na ipinatawag ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.