Suporta ng partido ni dating Speaker Cayetano ibinigay na kay Speaker Velasco
Nagpahayag na ng kanilang suporta kay House Speaker Lord Allan Velasco ang Nacionalista Party na kinaaniban ng pinatalsik na si dating Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Deputy Majority Leader at Las Piñas City Rep. Camille Villar, isang lider ng NP, solido ang suporta ng 44 kongresista ng Nacionalista Party (NP) sa liderato ni Velasco kasabay ng pahayag na lalong tumibay ang kanilang alyansa kay Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte upang maisulong ang legislative agenda nito, kabilang ang kampanya laban sa katiwaian.
Iginiit ni Villar ang kahalagahang nagkakaisa ang super majority ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Velasco upang epektibong ipatupad ang mga programa ni Pangulong Duterte para buhayin ang nanamlay na ekonomiya at labanan ang pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).
“Amid the recent development in the House of Representatives, the Nacionalista Party remains steadfast in supporting the legislative agenda of the President as his government endeavors to bring solution to the problems of the country, especially now that we are in the middle of the pandemic,” ayon kay Villar.
Sinabi pa nito na matibay ang liderato ng Pangulo dahil na rin sa solidong suporta at aktibong trabaho ng mga kasapi ng Gabinete upang iangat ang ekonomiya ng bansa.
“We believe that the country is in a better position to rise from the challenges of this pandemic and ultimately, facilitate the delivery of the cure against COVID 19,” ani Villar.
Inihayag rin ni Villar ang kanyang kagustuhan na maging co-author ng panukalang batas na magkakaloob ng anti-red tape powers kay Pangulong Duterte na bilisan ang proseso ng pagkakaloob ng mga lisensiya at permniso sa panahon ng national emergencies bilang isa sa
pinaka-epektibong paraan upang labanan ang katiwalian sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.