Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang labor groups sa labas ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Ang mga nagprotesta ay pawang miyembro ng mga grupong Defend Jobs Philippines, KMU Metro Manila at Kampi.
Ayon sa mga nagprotesta, ngayong ginugunita ang “World Food Day”, maraming manggagawa sa bansa ang nakakaranas ng kagutuman dahil wala silang makain bunsod ng kawalan ng trabaho at ayuda mula sa pamahalaan.
Bilang simbolo ng kanilang kagutuman, nag-ulam ng asin ang mga manggagawa sa harapan ng DOLE.
Panawagan ng mga manggagawa ngayong may pandemya ng COVID-19 dapat ay gumawa ng paraaan ang gobyerno para makalikha ng trabaho.
Bago mag-alas 9:00 ng umaga ay itinaboy na ng mga tauhan ng Manila Police ang mga manggagawang nagprotesta.