Quarantine facility sa Navotas City malapit nang matapos

Malapit nang matapos ang itinatayong quarantine facility sa Navotas City.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang 200-bed capacity isolation facility sa Navotas Centennial Park sa C4 Road ay malapit na mapakinabangan ng mga residente.

Ginamitan ng 53 container vans ang pasilidad na magsisilbing isolation units.

Sa ulat ni NCR Director Ador G. Canlas kay Villar, ang 50 freight vans ay hinati-hati sa 200 separate quarters na mayroong comfort rooms.

Ang tatlo pa ay magsisilbi namang nurses’ station, triage area, at sanitation room.

 

 

Read more...