Indonesia nangunguna na muli sa ASEAN sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Ang Indonesia na muli ang numero uno sa mga bansa sa ASEAN na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay makaraang mahigitan muli ng Indonesia ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang Indonesia ay mayroong 349,150 na total confirmed cases ng COVID-19.

Habang 348,698 ang kabuuang kaso sa Pilipinas.

Ang Indonesia din ang may pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 63,231.

Ang active cases sa Pilipinas ay 48,040 lamang.

Read more...