LOOK: 18-feet long na buwaya nahuli sa Tawi-Tawi
Namataan ng mga residente sa baybayin ng Simunul, Tawi-Tawi ang isang buwaya na may habang 18-talampakan.
Ayon sa netizen na si Grace Nuka na kumuha ng mga karawan, isang mangingisda sa Barangay Bakong ang nakakita sa buwaya.
Nagtulung-tulong ang mga residente para mahuli ang malaking buwaya.
Dinala ito pansamantala sa Papa Bull’s Park.
Magugunitang ang buwayang si Lolong ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa bansa na may habang 20.24 feet.
Nakapagtala pa ng record sa Guinness si Lolong bilang “largest saltwater crocodile in captivity”.
Taong 2013 nang pumanaw si Lolong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.