(Breaking News) Daang-daang mga residente sa Zobel st. San Andres Maynila ang apektado ng malaking sunog ngayong umaga sa nasabing lugar.
Pasado alas-otso kanina nang magsimula ang apoy sa isang bahay sa loob ng isang compound.
Nahirapang pumasok ang mga bumbero dahil sa sikip ng kalsada sa lugar.
Pasado alas-dyes ng umaga kanina nang itaas ang alarma sa Task Force Alpha.
Hanggang sa isinu-sulat ang balitang ito ay patuloy pa rin na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng mga Fire Brigade Volunteers ang naturang sunog.
MOST READ
LATEST STORIES