UPDATE as of 9:00 AM: Kanselado na ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa ilang bayan at lungsod sa Metro Manila ngayong araw, July 8, 2015 dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng epekto ng habagat.
- Ayon sa Dep’t of Education, o DepEd, as of 9:00 AM, wala nang pasok ang mga estudyante ALL LEVELS sa Quezon City, Pateros, Marikina City, Makati City, Pasay City, at Manila, Mandaluyong, Parañaque, Pasig City, Malabon, City, Valenzuela City, Navotas, San Mateo Rizal at Cainta, Rizal at Limay, Bataan.
Wala namang pasok sa PRESCHOOL hanggang HIGH SCHOOL sa Caloocan City at Dagupan City.
Sa lungsod ng Maynila, isang magulang na nakausap ng Radyo Inquirer ay nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa lampas na ng alas sais ng umaga nang ihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang suspensiyon ng klase.-Ruel Perez/Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.