Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 60,000 pa

Umabot na sa mahigit 7.3 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 60,300 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,365,435 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 804,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 800 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 112,144 na.

 

 

Read more...