Naranasang problema sa Twitter iniimbestigahan na

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2020 - 07:36 AM

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Twitter sa naranasang problema ng kanilang users sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa tweet ng Twitter Support, kinumpirma nitong marami ang nakaranas ng problema.

Sa iba pang mga lugar na hindi pa bumabalik sa normal ang Twitter service, sinabi nito na ginagawan na ng paraan para maibalik sa normal ang lahat.

“Twitter has been down for many of you and we’re working to get it back up and running for everyone,” ayon sa Twitter Support.

Sinabi ng Twitter na may nakita silang problema sa kanilang internal systems.

Wala umanong ebidensya sa ngayon na nagkaroon ng security breach o hacking.

“We had some trouble with our internal systems and don’t have any evidence of a security breach or hack,” ayon pa sa Twitter.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twitter, twitter is down, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Twitter, twitter is down

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.