BREAKING: Twitter nagkaproblema, maraming users sa iba’t ibang panig ng mundo hindi makapag-tweet

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2020 - 06:35 AM

Maraming Twitter users sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakaranas ng problema sa kanilang account.

Dito sa Pilipinas, nagsimulang magkaproblema ang Twitter dakong alas 5:30 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 16).

Ang mga users ay hindi maka-tweet at wala ding lumalabas na bagong tweet sa feed.

Kapag sinusubukang mag-tweet o mag-retweet, lumalabas ang abiso na “Twitter is over capacity. Please wait a few moments then try again later,”

Naranasan din ito sa iba’t ibang lugar sa U.S. at Europe.

Sa report ng DownDetector.com, 45,000 na users ang nag-ulat ng problema sa Twitter.

Kabilang sa mga reklamo ay hindi sila maka-tweet, hindi ma-access ang kanilang timelines o hindi makita ang notifications.

Naranasan ang parehong problema sa desktop at mobile apps.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Overcapacity, Radyo Inquirer, socia media, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical problem, Twitter, twitter is down, twitter problem, Inquirer News, News in the Philippines, Overcapacity, Radyo Inquirer, socia media, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical problem, Twitter, twitter is down, twitter problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.