Highest single-day increase ng COVID-19 cases naitala sa France
Nakapagtala ang bansang France ng highest single-day increase ng COVID-19 simula nang magkaroon ng pandemya ng sakit.
Sa magdamag ay nakapagtala ng mahigit 30,000 bagong kaso ng COVID-19 sa France, ito na ang pinakamataas na 24-hour record sa bansa.
Noong Miyerkules, iniutos na ni France President Emmanuel Macron ang pagpapatupad ng nightly curfew sa Paris at walo pang malalaking lungsod.Ang France ay mayroong 809,684 na total confirmed cases ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 33,125 ang bilang ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.