88 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan ng 88 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,044 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (October 15), 5,644 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 781 o 13.84 porsyento ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 4,809 o 85.21 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 54 naman ang mga residenteng nasawi o 0.96 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

 

 

Read more...