48 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Central Visayas

Nadagdagan pa ng 48 ang mga kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 15, 21,667 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.

Sa naturang bilang, 964 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 64 ang panibagong gumaling kung kaya 19,399 na ang COVID-19 recoveries.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,304 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...