Iloilo dalawang beses niyanig ng lindol

Dalawang lindol ang naitala sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 20 kilometer southwest ng bayan ng Miagao, ala-1:11 madaling araw ng Biyernes (October 16) at may lalim na 4 kilometers.

Magnitude 3.2 na pagyanig naman ang naitala sa 26 kilometer southwest ng bayan ng San Joaquin, alas-2:14 madaling araw at may lalim na 1 kilometer.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...