Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 215 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-11:19 gabi ng Huwebes (October 15).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

Read more...