Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 5,248 na
Napaulat ang 30 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:29, Huwebes ng hapon (October 15), 5,248 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 409 ang aktibong kaso.
11 ang itinuturing na probable cases habang 1,510 ang suspected cases kung saan 19,110 ang cleared na.
47 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,671 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 168 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.