ECQ Diary (Bawal Lumabas), nabuo sa panahon ng pandemya
Natapos ang pelikulang ECQ Diary (Bawal Lumabas) na tungkol sa pandemya, sa panahon ng pandemya.
Ang pelikula ay pinagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez at nasa panulat at direksiyon ni Arlyn Dela Cruz-Bernal.
Reunion movie ito nina Oropesa at Ramirez na unang hinangaan sa pelikulang “Nunal sa Tubig” noong dekada sitenta. Si Oropesa na kilala sa tawag na “La Oro” ang prodyuser ng naturang pelikula.
“Gusto naming makabuo ng pelikula tungkol sa pandemya na sisilip sa isang bahagi ng pinagdaanan natin sa taong 2020,” ayon kay La Oro.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Ramirez na hindi niya inaasahang mabibigyan siya ng co-lead role sa edad niya. Senior citizens na ang dalawang aktres. Role rin ng senior citizens ang ginagampanan nila.
Ayon naman kay Direk Arlyn, “dream come true” ang mapagsamang muli sa isang proyekto bilang mga bida sina Oropesa at Ramirez.
Sa kanyang unang ginawang pelikula ay kasama na ni Direk Arlyn si La Oro habang si Ramirez naman ay unang pagkakataon niyang nakatrabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.