Inihain ni de Lima ang Senate Resolution No. 534 para mapag-aralan muli ang mga programa at polisiya ng gobyerno para mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Filipino.
Sinabi nito na dahil sa mga pagpapatupad ng lockdown ay nagresulta sa pagkawala ng kabuhayan at trabaho kayat maraming pamilya ang nagugutom at naghihirap.
Naniniwala si de Lima na malaki ang kaugnayan ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa pakikipaglaban sa nakakamatay na sakit sa pagkagutom ng mga Filipino.
Base sa Social Weather Station survey noong Setyembre 17 hanggang 20, tinatayang 7.6 milyon pamilyang Filipino ang nagutom dahil sa kakulangan ng pagkain.
Ito aniya ay pagpapakita ng 30.7-percent hunger rate ang pinakamataas simula nang maitala ang 23.8 percent noong March 2012.