Pagtaas ng antas ng kagutuman sa bansa, pinabubusisi ni Sen. De Lima

By Jan Escosio October 15, 2020 - 06:11 PM

Gusto ni Senator Leila de Lima na mabusisi ng Kongreso ang napaulat na pagtaas ng antas ng kagutuman sa bansa sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Inihain ni de Lima ang Senate Resolution No. 534 para mapag-aralan muli ang mga programa at polisiya ng gobyerno para mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Filipino.

Sinabi nito na dahil sa mga pagpapatupad ng lockdown ay nagresulta sa pagkawala ng kabuhayan at trabaho kayat maraming pamilya ang nagugutom at naghihirap.

Naniniwala si de Lima na malaki ang kaugnayan ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa pakikipaglaban sa nakakamatay na sakit sa pagkagutom ng mga Filipino.

Base sa Social Weather Station survey noong Setyembre 17 hanggang 20, tinatayang 7.6 milyon pamilyang Filipino ang nagutom dahil sa kakulangan ng pagkain.

Ito aniya ay pagpapakita ng 30.7-percent hunger rate ang pinakamataas simula nang maitala ang 23.8 percent noong March 2012.

TAGS: 18th congress, COVID-19 pandemic, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, Senate Resolution No. 534, 18th congress, COVID-19 pandemic, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, Senate Resolution No. 534

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.