50/50 dapat sa mga sasakyan at pedestrian ang kalsada – Sen. Pangilinan

By Jan Escosio October 15, 2020 - 05:56 PM

Hating kapatid dapat sa mga tao at sasakyan ang lansangan.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan kay Sec. Mark Villar sa deliberasyon sa Senado ng budget ng DPWH sa susunod na taon.

Ayon kay Pangilinan, sa gitna ng pandemya, lumutang ang kahalagahan ng pantay o balanseng espasyo sa kalsada para sa mga sasakyan at tao.

Kayat hirit ng senador kay Villar, gawing prayoridad ang pagpapatayo ng bikes lanes at pedestrian lanes at mga imprastraktura na makakatulong nang husto sa paggalaw ng mga taong may kapansanan.

Puna ni Pangilinan, tila napapaboran ang mga pribadong sasakyan sa usapin ng paglalaan ng espasyo sa kalye.

Sa pagsagot naman ng kalihim, sinabi nito na nakikipagtulungan na sila sa DOTr at MMDA para sa bike lanes.

TAGS: budget delibration, DPWH, DPWH 2021 budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, Sen. Francis Pangilinan, budget delibration, DPWH, DPWH 2021 budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, Sen. Francis Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.