Karagdagang 24 Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 24 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 15, umakyat na sa 11,141 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,155 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Tatlo naman ang bagong gumaling kung kaya 7,175 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, nasa 811 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,364 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,211 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 811 naman ang kaso sa Americas at 1,755 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...