Publiko, pinakakalma ng Palasyo ukol sa abiso ng PRC na ititigil muna ang PhilHealth-sponsored swab test

By Chona Yu October 15, 2020 - 04:11 PM

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko matapos mag-abiso ang Philippine Red Cross (PRC) na ititigil na muna ang pagsasagawa ng swab test na sponsored ng PhilHealth.

Ito ay dahil sa hindi pa nakapagbabayad ang PhilHealth sa PRC ng P930 milyon sa swab test.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, marami na rin namang pribado at pampublikong laboratoryo ang nagsasagawa ng swab test.

Pero ayon kay Roque, malaking kawalan kung ititigil na ng PRC ang pagsasagawa ng swab test lalo na sa mga umuuwing overseas Filipino worker.

“Malaking kawalan po yan kung titigil nila ang testing for PhilHealth pero ako naman po kampante na meron lang talagang internal na problema ang PhilHealth na alam naman nating lahat,” ani Roque.

Sa ngayon aniya ay mayroon nang 112 RT PCR laboratories sa bansa habang 35 para sa antigen test laboratories.

Sinabi naman ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez na may kapasidad na rin ang mga local government unit na magsagawa ng covid tests.

Humihingi naman ng pasensiya si Roque sa Red Cross sa nangyayaring kagipitan sa PhilHealth dahil sa kinakaharap nitong problema subalit umaasa naman na mareresolba ito sa lalong madaling panahon.

“So humihingi po ako ng pasensya sa PRC, on behalf of the Presidente. After this press briefing, ipararating ko po kay Atty Gierran itong concern ng Red Cross,” dagdag pa nito.

TAGS: covid testing, Inquirer News, philhealth, Radyo Inquirer news, Red Cross COVID testing, Red Cross swab test, RT PRC laboratories, Sec. Harry Roque, swab test, covid testing, Inquirer News, philhealth, Radyo Inquirer news, Red Cross COVID testing, Red Cross swab test, RT PRC laboratories, Sec. Harry Roque, swab test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.