Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 15), umabot na sa 348,698 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 48,040 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,261 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.7 porsyento ang asymptomatic; 1.6 porsyento ang severe habang 3.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 50 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,497 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 385 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 294,161 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.