City of Maasin, Southern Leyte nilindol

Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa Southern Leyte, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Northeast ng City of Maasin dakong 3:19 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at dalawang kilometro ang lalim.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa City of Maasin at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...