Sen. Lapid, pinatatanggal ang expiration ng internet load
Ipinanukala ni Senator Lito Lapid na dapat walang expiration ang internet load.
Sa inihain niyang Senate Bill 1880, sinabi ng senador ang mga hindi nagamit na data allocation sa internet data packages o promos ay dapat na ma-credit sa mga susunod na buwan hanggang sa pagtatapos ng taon.
Aniya, ang mga hindi pa rin nagamit na data ay maaring maging rebates na magagamit naman sa mga susunod na subscription.
Naniniwala ang senador na napakahalaga ng kanyang panukala lalo na’t nagpapatuloy ang pandemiya dala ng COVID-19 sa bansa.
Diin ni Lapid, napakahalaga na ng internet sa panahon ngayon sa pamumuhay.
Bagamat aniya malaking isyu pa rin ang connectivity sa bansa, kailangang masulit ng subscriber ang kanilang pera para sa internet data at ang nakikita niyang solusyon ay ang itinutulak niyang ‘roll over scheme.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.