Video ng ilang babaeng empleyado ng LTO, viral sa social media
Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan nagsasayaw ang ilang mga babaeng kawani ng Land Transportation Office (LTO).
Sa nasabing video na sinabayan ng isang awitin, ipinararating sa publiko ang mga ipinagbabawal sa lansangan.
Kinagiliwan ito ng netizens at sa katunayan, ayon sa comment sa Facebook ng isang E.M. Camarillo, tinanong kung ang mga ito ang manghuhuli.
Sabi naman ni Toledo Ferry, “love it.”
Ayon naman kay Roseanne Baniqued, “ay tlga nmang ginalingan, sana lang tlga sa mga motorista jan,doble ingat po tlga para maiwasan po aksidente.”
Si Romulo Diaz Jr. na nag-comment din ang sabi naman, “sana wala ng hanggang 4th offense sana on the spot palang multa agad ng malaki para talagang magtanda at madisiplina, na observe ko lang mga drivers at motorist d2 sa NCR.”
Pabiro namang sabi ni Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran na isa sa nag-post ng video, ”Masama lang loob ko, guys, kasi hindi nila ko sinama sa sayaw. IT REALLY HURTS!”
Kaya naman sabi sa komento ni Lolito Santos, “Sayang di pala kasama si Asec. Goddes.”
Gayunman, paliwanag ni Libiran na hindi ito “official campaign video” ng ahensya.
Sa katunayan nga aniya ay hindi ito naka-post sa official media platforms ng LTO o kaya naman ay ng Department of Transportation.
Sabi ni Libiran, “The act was not initiated by the agency, but was made voluntarily by a group of well-meaning women who wanted to help promote the campaigns of their agency.”
Paliwanag nito, ang ginawa ng mga empleyado ng LTO ay paglahok lamang sa social media na sinasalihan ng iba’t ibang grupo at indibidwal kabilang na ang mga guro, artista, mga taga-Bureau of Fire Protection, Department of Education at maraming iba pa.
Sa huli, ang malinaw aniya na mensahe ng nasabing video ay “It Really Hurts Na Magmulta, Kaya Magtino Ka Sa Kalsada.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.