Ilang lalawigan sa Mindanao, uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa bahagi ng Mindanao.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 1:05 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina na kung minsan ay katamtamang lakas na pag-ulan sa Misamis Oriental partikular sa Magsaysay, Gingoog at Claveria; Agusan del Norte sa Buenavista, Nasipit, at Santiago; Surigao del Sur sa Tagbina at Lingig; Dinagat Islands; Davao de Oro sa Monkayo at New Bataan.

Uulanin din ang Lanao del Sur (Tagoloan II, Bubong, Maguing, Lumba Bayabao, Kapai, Masiu); Misamis Occidental (Dv Chiongbian); Sultan Kudarat (Lebak, Kalamansig); Zamboanga del Norte (Sibuco); Zamboanga City; Zamboanga del Sur (Molave, Dumingag); Basilan; Sulu; TawiTawi sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...