Local Shelter Plan para mga mahihirap sa Maynila aprubado na

By Chona Yu October 15, 2020 - 12:11 PM

Nilagdaan na ng Manila City Council ang Local Shelter Plan para sa mga mahihirap na mga taga-Maynila na naninirahan sa critical zone.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, layunin ng proyekto na magbigyan ng disente at abot kayang tahanan ang mga taga Maynila.

Nais din ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng Disaster Risk Resilient at Climate Change Adaptive na tahanan ang mga taga-mMaynila.

Ayon naman kay Atty, Cris Fernandez, hepe ng Manila Urban Settlement Office, target ng lokal na pamahalaan na makabili ng 191 ektaryang lupa para sa socialized housing projects para sa taong 2020 hanggang 2025.

Ayon kay Fernandez halos 15,000 na household ang target sa City resettlement project pagsapit ng taong 2025.

Kasama na rito aniya ang mga pamilya na nanganganib na ma-demolish ang mga tinitirhang bahay.

Matatandaang sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Isko, naumpisahan na ang pagpapatayo ng tatlong socialized housing projects.

Ito ay ang Tondominium 1, Tondominium 2 at Binondominium.

Ayon kay Mayor Isko, batid niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disenteng tahanan dahil siya mismo ay nanirahan noon sa squatter area.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Local Shelter Plan, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Local Shelter Plan, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.