Pangulong Duterte handang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 na galing China o sa Russia

By Chona Yu October 15, 2020 - 11:59 AM

Naghihintay na lamang si Pangulong Rodrigo Duterte na tawagin ng China o Russia para maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pangulo, nakahanda siyang tupiin ang manggas ng kanyang damit para magpaturok ng bakuna.

Giit ng pangulo, kumpiyansa siya na ligtas ang bakuna ng China at Russia.

“Tayo, kaming mga civilian puwede tayong ma-last. Pero kung mag-offer… Ako nagahintay ako tawagin ako ng China or Russia. I’ll be glad to open up my sleeves and, “sige,” kasi may kumpyansa nga ako,” pahayag ng Pangulo.

Una nang sinabi ng pangulo na nakahanda siyang maunang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 para mawala ang agam agam ng tao kung ligtas o hindi ang bakuna.

 

TAGS: China, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Russia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, China, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Russia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.