World Bank sa PH Government: Mag-invest sa telco infra para sa mas mabilis na internet service

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2020 - 09:39 AM

Habang patuloy na tinataasan ng telecom companies ang kanilang capital expenditures upang mapaghusay ang kani-kanilang networks, pinayuhan ng World Bank ang Philippine government na gawin ang parte nito sa pagpapabuti sa communications infrastructure ng bansa sa gitna ng pagdami ng mga gumagamit ng internet dahil sa kagyat na paglipat ng bansa sa digital services.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan ang pang-araw-araw na gawain ay napipilitang isagawa sa online, binigyang-diin ng World Bank na “dapat manguna ang Philippine government sa pag-transform sa ekonomiya sa digital.”

“In a society-wide digital transformation, the government itself must lead by example,” pahayag ni World Bank economist Kevin Chua, ang lead author ng report na pinamagatang
“A Better Normal Under COVID-19: Digitalizing the Philippine Economy Now.”

Ang pag-upgrade sa digital infrastructure, pagsusulong sa digital payments, pagpapahusay sa kakayahan ng logistics system at pagpapayaman sa conducive business environment ay kabilang sa inirekomendang hakbang na tinukoy sa report na ipinalabas ng World Bank at ng National Economic Development Authority.

Nakasaad din sa report na ang pagsisikap na mapagbuti ang telecommunications systems ng bansa ay nahahadlangan ng complex government regulations – na nagdudulot ng ‘digital divide’ na lalong nagpapahirap sa buhay ng mahihirap.

Sinasabi ng pamahalaan na gumawa na ito ng hakbang upang matugunan ang kawalan ng imprastraktura, kabilang ang pagtatalaga ng ‘third telco’, ang Dito Telecommunity.

Gayunman ay sinabi ng Industry at media analysts na maaaring lumikha ang gobyerno ng mas maraming problema dahil sa umano’y iregularidad sa pagwawagi ng Dito sa bid, delays at rollout issues, gayundin sa posibleng banta sa pambansang seguridad.

“The biggest concern is that China will be able to listen in on our communications,” wika ni Dr. Renato De Castro, professor sa International Studies Department sa De La Salle University sa Manila.

Tinukoy rin ng mga Senate leader ang Chapter 1, Article 7 ng China’s National Intelligence Law, na nagsasaad na: “Any organization or citizen shall support, assist, and cooperate with state intelligence work according to law.” Ang desisyon ng militar na payagan ang Dito na maglagay ng cell towers sa kanilang mga kampo ay nagpataas lamang sa security risks ng kompanya.

Binigyang-diin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pangangailangan para sa mas maraming investment support kasabay ng panawagan sa mga senador na bigyang prayoridad ang National Broadband Program at ang free internet access program sa mga eskuwelahan.

Sa presentasyon ng DICT sa Senado, ang ideal budget para sa broadband program ay nagkakahalaga ng P18.18 billion, subalit ang inaprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ay P902.19 million.

Humihingi ang DICT ng karagdagang P17.2 billion para sa programa, nang sa gayon ay ma-activate nito ang cable landing station sa Baler, Aurora, at makakonekta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) node sa San Fernando, La Union.

Samantala, patuloy na namumuhunan ang telecom service providers sa network improvements sa harap ng pagtaas ng demand para sa connectivity sa gitna ng pandemya.

Ang Filipinas, sa katunayan, ay kabilang na sa Top 10 countries sa mundo pagdating sa world investments sa telecom, base sa IMD World Digital Competitiveness Rankings of 2020.

Sa nakalipas na 19 na taon, ang Globe at PLDT ay may pinagsamang mahigit sa P1.1 trillion na investments at nagbayad ng daang bilyong pisong dibidendo sa mga shareholder.

“Efforts to enhance digital infrastructure are hindered by legal and regulatory constraints in the telecommunications markets,” ani Chua. “Limited digital infrastructure has directly contributed to the problems of affordability, speed and access to internet.”

 

TAGS: internet service, network connection, world bank, internet service, network connection, world bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.