8 arestado sa karera ng motorsiklo sa Marcos Highway

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2020 - 11:16 AM

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Antipolo City Police at PNP Highway Patrol Group (HPG) ang walong katao na nahuli sa aktong nagkakarera ng motorsiklo sa Marcos Highway.

Ayon sa Antipolo City Government, paulit-ulit ang paalala ng lokal na pamahalaan na hindi ligtas ang ginagawang drag racing.

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang mga karerista sa Marcos Highway na nagdudulot ng matinding abala at peligro sa mga residente at ibang motorista.

Sa ikinasang operasyon, nahuli sa akto ang walong indibidwal na nagkakarera.

Maliban sa pagkakarera, nakitaan sila ng iba pang paglabag gaya ng open muffler, walang crash helmet, expired na OR/CR at hindi rehistradong mga sasakyan.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa mga concerned citizen na nagpapaabot ng impormasyon sa ginagawang karera.

 

 

 

TAGS: Antipolo City, drag racing, Inquirer News, motorcycle, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Antipolo City, drag racing, Inquirer News, motorcycle, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.