Ikatlong in-city relocation site sa Valenzuela City binuksan na

Pinasinayaan na ngayong araw (Oct. 15) ang ikatlong in-city relocation site sa Valenzuela City.

Ang Disiplina Village Lingunan ay bahagi ng proyekto ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa DHSUD, NGCP, at Gawad Kalinga.

Ito ay para mai-relocate ang mga mamamayan ng lungsod na naninirahan sa danger zone areas.

Tinatayang 750 na pamilya na nakatira sa ilalim ng transmission lines ang maililipat sa sandaling matapos na ang buong DV Lingunan sa susunod na taon.

Magkakaroon sila ng sariling unit, mas ligtas, may kuryente, at tubig.

Ang lugar ay malapit sa apat na paaralan at accessible ang komunidad.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, pinagplanuhang mabuti ang lokasyon para masigurong kaaya-aya ito sa mga lilipat.

 

 

 

Read more...